Posted by Santiago
June 4th, 2011
7 Comments
Sun-gazing sa Morong, Bataan
Kung tatanungin niyo ako kung paano ko inispend ang Mahal na Araw, ganito ang isasagot ko:
Monday – office
Tuesday – office
Wednesday – office
Thursday – office
Friday – sobra naman, di na po sa office. Hmmmm, well, sorta. Night shift kasi ako ng Thursday workday, wala kasing tao sa “tindahan” (opisina). Kaya from dayshift nag-night shift ako. Sa madaling salita hanggang biyernes ng umaga ako nagtrabaho.
Siyempre sa blog post na ito, featured na naman ang pamilya ko na mahilig ding mamasyal. It runs in the blood, ya know… Pagsapit ng alas siyete ng umaga, sinundo nila ako sa opisina. Ang sweet nga nila eh, bakit? Kasi walang naka-upo sa pinakalikod na upuan, sadyang nilaan para sa akin para makatulog sa biyahe. Touching.
So ganun na nga po ang ginawa ko, natulog lang ako buong biyahe. Nag-side trip kami sa bahay namin sa Bulacan, dinaanan namin doon ang pinsan ko. After that we made another side trip—this time to Nueva Ecija. Dinalaw namin ang mga kamag-anak ng Tatay ko. Not sure kung saan yung exact place, pero I kept on hearing daddy saying “Entablado”. (Parang sobrang groggy ako sa byahe ‘no?) ‘Di ko alam kung barangay ‘yun o compound. Pagdating namin doon, kumain kami habang nakikipagkwentuhan sa mga tao doon. (Actually, si Dad at Mom lang ang nakikipagkwentuhan—audience lang ako at ang mga kapatid ko.) Pagkatapos, tinuloy ko doon ang naudlot kong pagtulog sa biyahe. After an hour kumain ulit kami ng sinampalukang native na manok. Sorry di ko napicturan masyado kasi akong nag-focus sa kinakain ko. First time ko kasing makakain ng sinampalukang manok.
Pagsapit ng hapon, nagsimula na kaming bumiyahe papuntang Bataan. Medyo masaklap lang at first kasi almost an hour kaming na-stuck sa traffic dahil may prusisyon. Pero ‘di bale, salamat na lang at may napaglibangan kami—nanood kami ng “Drumline” sa sasakyan habang naghihintay na makaandar. Napanood niyo na ‘yun? Try niyo panoorin astig yung drumline piece nila. : )
Mga alas-otso na ng gabi nang makarating kami sa Morong, Bataan. I suggest you guys try this place if you want to spend the vacation at a beach with fine sand (though hindi siya white sand). Also, if you want it “not that crowded and commercialized,” and you don’t want to travel far from Manila, this is the place to be. Ayon sa aking imaginary ruler, ang layo nito mula sa Kalakhang Maynila ay humigit kumulang…. dalawa o tatlong oras.
Pagkarating namin, fully booked na ang Phiphi Beach Resort (dito kami dapat pupunta). Kaya lumipat kami sa karatig resort—Bonito Beach Resort. May libreng wifi, may swimming pool, may restaurant, at may isang malaking room pang available—feeling ko sadyang nilaan para sa amin. Sukdulang biyaya. Sabi ng tatay ko nasa Php 7,000 isang gabi. Feeling ko (ulit) peak rate siya. I’ll update through comments section yung full details ng rates.
Matapos magbihis ng pangtulog, sumaglit kami ng kapatid ko sa tabing dagat para magtampisaw for a moment. Kahit medyo mainit, ang sarap sa pakiramdam ng tubig dahil malamig. Pero mga fifteen minutes lang kami kasi parang mas masarap matulog.
*****
(Insert kuligligs chirping here)
Black Saturday. Ginising ako ng tatay ko. Alas singko ng umaga. Ang sunrise! Kailangang abangan! Nagmamadali kong kinuha ang camera ko at lumabas ng kwarto (naghilamos pala muna ako at nagsipilyo). Pagdating namin ng kapatid ko sa pampang, parang wala akong nakitang araw. May lalaking nakatambay sa may kinatatayuan namin. Tiningnan niya kami. Nagsalubong ang paningin namin at nabasa ko ang nasa mga mata niya—“Ma’am, wala pong sunrise dito, sunset lang”. Sabi ng mata ko sa kanya, “Ahhhh ok po. Thanks!” Bumalik kami sa kwarto at natulog ulit.
Pag-gising ko, mainit na talaga sa labas. Kumain muna ako ng official pangbaon ng pamilya pag may outing—CPA. Chicken Pork Adobo. No need to refrigerate.
Siyempre, ‘pag nasa beach, ‘di dapat kalimutang mag-sun block. Akala ng iba, ang pagsa-sun block ay isang uri ng kaartehan sa buhay. I beg to disagree. Proteksyon yan laban sa harmful UV rays. Para sa akin, bukod sa shades, importante yan. Matapos maglagay ng sun block, bumalik kami sa beach. Pataas na ang araw kaya mainit na talaga. Naunang maligo ang aking mga kapamilya, so naiwan ako sa tabing dagat at kumuha muna ng mga pictures—hindi lang ng pamilya ko kundi pati ng mga ibang beach goers doon. Let me share some:
Hindi naman ako mahilig talaga magpakuha ng solo picture, seriously. Pero ‘pag sa beach, dapat talaga meron ako. Kaya pinili ko yung kapatid ko na kuhanan ako ng isang snapshot:
*****************************************************************
Siyempre nagugutom din naman tayo ‘di ba? Kaya kumain na kami. Dito ko nakita ang husay ng Tatay ko sa strategic planning. Kasi ang ginawa pala niya, namili siya sa malapit na palengke ng seafoods na ipapaluto sa malapit (din) na restaurant, mga two hours ahead of lunch time. Kaya pagdating namin sa restaurant hinain na lang ‘yung mga pinaluto. May nadatnan kami doon na isang pamilya din na mukhang doon na lang mismo umorder. Dumating kami, nakakain at nakaalis na, di pa din naseserve yung order nila. Kaya I suggest na ganito din ang gawin niyo para hindi sayang sa oras. : )
Approximately, Php 1,500 ang nagastos for the food, then additional Php 400 for the labor. Serves 7-8 persons. Sa Jazz d Best kami pala nagpaluto. Busog.
*******************************************************
Bumalik kami sa kwarto at nanood ng mga Lenten special shows. Hinintay namin mag-alas tres para abangan naman ang paglubog ng araw. Bumalik ako sa beach kasama ang kapatid at tatay ko. Kinuhanan ko sila habang nakatingin sa malayo:
Habang naliligo silang dalawa, nag photo trip ulit ako:
Meanwhile, may dalawang batang tuwang tuwang naglalaro sa buhanginan. Natuwa din ako sa kanila kaya kinuhanan ko sila habang natutuwa sila:
Sa mga kadahilnang hindi ko pwedeng i-share sa post na ito, hindi ko inabutan ang paglubog ng araw. Pero bago siya nagpaalam, nagparamdam naman siya sa’kin ng beauty niya.
Nakangiti ako habang kinukuhanan ko ang mga litratong iyan. Ang pagsikat at paglubog ng araw ay patunay ng Diyos na binibigyan Niya tayo ng pagkakataon—paulit-ulit na pagkakataon—para mabuhay nang naaayon sa idinisenyo Niyang plano para sa atin.
Pagkakataon para magpatawad at humingi ng tawad. Pagkakataon na ipadama sa mga mahal mo sa buhay na mahal mo sila. Pagkakataon na magpakatatag sa gitna ng mga kaguluhan at pagsubok na dinaranas. At higit sa lahat, pagkakataon na pasalamatan ang Diyos para sa isa pang pagkakataon na ibinigay Niya sa atin para gawin ang lahat nang mga nabanggit ko dito sa last four sentences.
Bumalik ako sa Maynila at sa opisina. Refreshed. Hindi lang dahil nakaligo ako sa “inviting waters of the sea at Morong,” but also because once again, God proved me how powerful He is by displaying His works. ‘Yung beauty ng dagat at ng araw, wala pa iyon sa ¼ ng kalingkingan ng sanggol compared sa kayang gawin ng Diyos sa buhay mo. All you have to do is entrust Him everything. Yes… everything. No holding back… And you’ll be happily surprised with what God can do for you.
To you, sunset… May araw ka din.
You might want to read also:
Hello! Ako po ...
Naging makasays...
Maraming masaya...
Tags: Bataan, Morong, Travel Blogs, Where to Go in Bataan
Posted under: Travel Comment (RSS) | Trackback



















