Posted by Sarah
May 11th, 2010
18 Comments
Professor XOXO
Ang sarap magbakasyon! Mabuti na lang nakauwi ako sa’min. Kumusta ‘ka mo? Haha Bikolana ini ay. Ewan ko ba but I really felt under so much pressure nung may klase pa. Kaya nung nawalan ng klase uwi kaagad ako (haha).
I want to share one of my unforgettable experiences sa madramang estudyante life ko so far. Syempre, it’s normal to have a crush on our teachers or professors ‘di ba? ‘DI BA? But what if more than crush na ‘yung naramdaman mo for them? Oh come on, ang sagwa ba pakinggan? (haha)
I was a first year student that time and it all started with a simple trip and joke. Crush ng classmate ko ‘yung professor namin. Bata pa kasi ‘yung prof at may sense of humor. Para may kaagaw s’ya, I pretended na may crush din ako sa prof namin (haha). Kaya ang ginagawa ko, inaasar ko siya tuwing galing ako sa office ni prof. Tumagal ‘yun ng isang semester. At dahil naging ka-close namin itong prof na ‘to, pumupunta pa rin kami sa office niya kahit ‘di na namin siya prof.
Hanggang isang araw, this is it (haha): Crush ko na rin s’ya (na-develop ba). At ‘yung leveling ng pagka-crush ko sa kaniya ay higit pa sa nararamdaman ng classmate ko. Di ba ang baho? (haha) Heto pa mas malala: I felt jealous (girlfriend?) everytime I would find out kung sinu-sino pa ang maraming nagkaka-crush sa kanya ( gwapo n’ya ah?!).
I knew I had no right, just left (haha joke lang!). But I couldn’t help it. Tapos nagagalit na ‘ko sa kanya dahil sa pagseselos na ‘yon (haha adik!). At dumating pa sa point na sobra na ring bumigat ang feeling ko dahil sa mga negative emotion. Tapos parang ‘di complete ‘yung araw ko ‘pag di ko siya nakikita kaya inaabangan ko siya sa quadrangle. One time nga naki-seat-in pa ‘ko sa class niya .
When I observed na hindi na maganda at unhealthy na talaga ‘yung nararamdaman ko, I opened it up to God and it took me so many nights praying and crying, asking God to take away the feelings I was harboring.
God saw my heart. Sobrang nahihirapan na talaga ‘ko. But with His love and grace, I thank Him for I successfully overcame.
Ngayon, ‘pag nakikita ko siya I always thank God dahil naaalala ko ang napagdaanan ko. Naaalala kong faithful ang Diyos at kaya niyang pagalingin maging ang ating mga emosyon na puno ng kadramahan.
This experience has also led me to develop a habit of prayer every time I feel attracted to a guy (whether it’s a professor or a student, hehe). I always ask God to help me guard my emotions with purity and strength so that I wouldn’t undergo the emotional torture I had been through. (‘Di ba feeling beautiful ako? Hahaha!)
Habang estudyante pa tayo, hindi advisable na ma-involve tayo sa romantic relationships (gf or bf) lalo na teacher-student love affair! May narinig kasi akong ganong kwento.
Bakit ba tayo nasa school, hindi ba’t para mag-aral? ‘Wag na nating hintaying mahulog tayo sa isang emosyon na alam nating hindi kalugud-lugod sa harapan ni Lord. May our lives be a true sacrifice to our God. Mas masarap mahalin ang taong inilaan ni Lord para sa atin, sa tamang panahon.
I hate to sound corny but corny is the new cool. Meganon!
‘Wag tayong maging excited sa lahat ng bagay. There’s always a right time (and a right person) for everything under heaven. (Ecclesiastes 3.)
At ‘pag dumating ‘yun, mapapa-This is it! tayo nang walang pag-iimbot at buong katapatan (panatang makabayan?).
You might want to read also:
“Unexpected” ce...
So blessed with...
The long wait i...
Confused and cu...
So I decided to...
Tags: Christian Blogs, Christian organization in the philippines, Filipino Christian Blogs, KKB, KKB Blogs, KKB Movement, KKBlogs
Posted under: Student Life Comment (RSS) | Trackback



