Posted by Sarah
May 28th, 2010
6 Comments
Ondoy, ikaw ba ‘yan?
Naiparinig n’yo ba ang inyong boses through the first ever automated elections? (Naririnig ba ‘yon? Haha.) Itaas ang kamay. (Parang nasa classroom lang ah.) Kumusta naman si PCOS? Did you make friends with him/her/it? Anyway, I’m not here to share about PCOS. (Taray!) But I want to share something na para sa’kin may koneksyon yata sa eleksyon.
I volunteered as a poll watcher on the election day so I was required to be in my designated precinct as early as 6:00 a.m. My excitement caused me to be sleepless; mga tatlong oras lang siguro ako natulog. On my way to the school, I got so refreshed by the view. It was the break of dawn. So peaceful, wala masyadong ingay at tao. Ang sarap ng hangin.
Pagdating ko sa school, nagsimula agad ang botohan pagkatapos ma-set up ng PCOS machine.
Pagsapit naman ng lunch time, I immediately got myself ready para umuwi for lunch. On my way home, nung medyo malapit na ‘ko sa gate, napansin kong ang daming taong nakatambay. Ang iba may pinamimigay pa. In my kitty-cat curiosity, I walked faster para makita ko kung ano ‘yon. Grabe! Akalain mong paglabas na paglabas ko ng gate sobrang nawindang ako! Nagka-Ondoy ba ulit? Gustong sumabog ng puso ko. Bakit bumabaha ng mga papel at basura dito? Gusto ko silang pagkukutusan. Alam mo ‘yon?! Parang hindi nila napagdaanan ‘yong bagyong Ondoy. (Grabe, kalma lang puso ko.. haha.)

Sobrang nalungkot lang ako, parang wala silang napulot na aral noong dumayo si Ondoy sa Pilipinas. Kung nasa school ako ‘di pwede ‘yan. Kapag nasa classroom ako at may nakita akong classmate ko na nagtatapon ng basura kung saan lang, “Uy” ko pa lang alam na nila. (Pwede na nga ako mag-lady guard eh… haha.) Tatayo na sila at itatapon nila ang basura nila sa basurahan.
Nalungkot ako. Wala naman akong magawa. Alangan namang pulutin ko ‘yon lahat. Nakakalungkot isipin na tayo ang pinagkatiwalaan ni Lord to take care of our planet Earth and yet tayo rin ang sisira nito.

Hindi pa huli ang lahat. Maging modelo tayo sa mga kabataang nakapaligid sa’tin sa pamamagitan ng pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan. Pwede rin tayong sumali sa mga clean and green project sa school at community natin. Even these simple things can help and make a big difference for our environment.



