Posted by Sarah
April 9th, 2010
18 Comments
New Stick-O flavor?
I thank God at may napulot kayo sa first blog ko = ). It was my first ever blog entry in the history of my existence in the universe. Sobrang trying hard ako sa maraming bagay, especially when it comes to letters and words. Kaya nag-engineering ako eh. (Haha, nag-explain pa!)
Matanong ko lang: What are the things you usually do with your tropa? Kami kasi, knowing na karamihan sa klase namin ay mga boys, mahilig kaming mang-trip. But of course, tamang asar lang ang mga sinasalihan ko (hehe, peace). Nand’yan na ‘yong pagbabatuhan ng kadiring plastic with soil. Sa’n nanggaling ‘yon? Sa locker lang naman ng mga higher year levels – experiment nila na pinaglaruan na. (So bad!)
Pero paano kaya ‘pag ako na ang napagtripan?
I have a friend who in our circle of friends is the unfairest of them all (as in siya ang pinakamaloko). Pero kahit kailan, hindi ko inakalang isa ako sa mga mapapagtripan n’ya. Ang tawag kasi nila sa’kin ay “ate”. So akala ko pinagpipitaganang “ate” talaga ang tingin nila sa’kin.
The story goes like this: After class, we went to our favorite restaurant (‘yong may student meal for lunch, hahahaha). After eating, we discussed some serious things (from terrorism to foreign exchange). My friend left for a while to buy some Stick-O’s. Pagbalik n’ya, ako na ang nagsasalita (discussing global economic meltdown).
Strangely enough, he was giggling while giving out some Stick-O’s to us. Hindi ko lang pinansin ang strangeness na ‘yon, pero humahagikgik din ‘yong iba naming katropa. I just pressed the “ignore” button. Diretso lang ako sa pagsasalita dahil intellectually stimulating ang topic ko, especially for our age.
Ako ang huling binigyan niya ng Stick-O (dapat bayaran na ‘ko ng Stick-O, kanina pa ‘ko “Stick-O” nang “Stick-O”, hmp!). I looked inside my Stick-O and I saw a red thing. At the back of my mind I was asking: “Ano ‘to? New flavor?” But not even fear of the unknown could diminish my appetite. Kahit katatapos lang mag-lunch, kinain ko pa rin sa kabila ng mga agam-agam.
Uminit agad ang bibig ko. Betchabygollywow. Sili pala ‘yong nakita ko sa loob. Naiyak ako sa sobrang anghang!
Kakabusog ko lang sa pagkain ng lunch pero halos isang pitsel pa ‘yong nainom kong tubig maibsan lang ang anghang. Kainis ‘di ba?! First time kong umiyak habang nabobondat sa pag-inom ng tubig.
Pagkatapos kong umiyak, nag-sorry s’ya sa’kin.
May choice pa ba ko? Tinanggap ko ang sorry niya pero sinabi ko pa rin sa kanyang na-offend ako at ni-rebuke ko siya dahil sa ginawa niya.
Naisip kong dapat hindi ko tinanggap ang sorry niya. Dapat hindi ko na lang s’ya pinansin! Dapat pinaramdam ko sa kanya ang pait ng pagiging bitter ko dahil sa ginawa niya!
Pero matutuwa kaya si Lord kung ginawa ko ‘yon? Dapat hindi ako pikon. Dapat sport lang. Hay, kasi naman napaka-coarse ng biruan namin madalas. Dapat bawasan din ‘yon. ‘Wag emotionally offensive at physically inflicting ang mga biro!
Kapag emotionally hurt ako ng mga kaibigan ko, nagpre-pray lang ako at ibinibigay ko kay Lord ang lahat nang mga nararamdaman ko. I just trust him with all my heart the way Proverbs 3:5-6 commands us.
Okay na kami ng friend ko ngayon. Umalis s’ya sa school nang walang black eye. And I’m blessed because my anger didn’t get the better of me.



