Posted by Sarah
July 31st, 2010
19 Comments
Highschool vs. College (Part 1 of 2)
Wow! Tagal kong nawala. I miss you all. Nagbabalik ang inyong Campus Drama Queen. Palakpak naman dyan. Oops! Para kay Lord. Ayun, I’m starting all over again and I thank God kahit anong pagdadrama ko He always gives me a chance na bumalik. Sounds serious na naman. (haha) Since hindi bagay sa’kin mag-emote eto naman pag-usapan naten.
Para sa’kin my unforgettable experience as a student ay noong highschool ako. How about you? Nitong mga nakaraang araw nag-eenjoy akong alalahanin ang mga pangyayari noong araw. (Haha, kala mo isang dekada na ang nakakaraan eh.) Until my friend tagged (Facebook term. Everybody aware of this?) me in this picture.

Hmmp, sinong hindi nakakarelate dito? Weh, di nga?! Sobrang nag-enjoy ako sa pagbabasa. Dagdagan pa natin ‘to. Ayon sa aking naexperience at mga nakausap:

|
Flat shoes Uso pa kasi patintero at dapat hindi masyadong sosyal.. |
High heels Dahil dalaga na! Ung iba halos isang daliri na nga lang ang nipis ng heels.. Ganda di ba! ‘Pag natumba maHIGH HEELS ang babagsakan.. = p |
| Projects
Kapag Php20 ang kelangan, Php30 ang hihingin.. mababa pa ang interes,kickback ba! |
Research
Times two ang interes..as in! hahaha… from 100 nagiging 200..tibay! |
| Top Secret Crushes
Lihim na crush… Medyo maarte si kuya at ate—pag nalaman hindi na nagpapansinan… Feeling artista. |
Maximum Exposure Crushes
Expose kung expose! Tamang ulot kasi sa klase.. Hahaha.. Lahat na ata nagiging crush |
| Open forum
Ang lahat ay nadadaan sa mabuting usapan. |
Asaran forum
Kadalasan ay trip lang. Masaktan ka sa joke o hindi, trip lang ‘yun. Talo ka ‘pag naasar ka. |
| Powder
Bawal pa make-up eh. Minsan hindi pa pantay—mukha lang ang may pulbos pero leeg wala. Cost cutting? Haha |
Make-up
‘Yun oh! It’s time to shine. Kahit walang event, over sa make-up. |
| Desperate Measures
Nakakapasa ng exam kahit hindi pa nababasa ang questions. Lupit ng kopyahan! |
Very Desperate Measures
One seat apart na. Kaya dapat imaximize ang lahat. Even ang shoes gumagamit na ng reviewer. Haha. Alam n’yo na un. |
Sa mga high school students diyan, I want to hear from you. Ganyan ba kayo (whether dati o ngayon). Sa mga college students and sa mga working, let your voice be heard (haha). Nakaka-relate ba? We’ll take about your comments next time



