Posted by Sarah
August 23rd, 2010
12 Comments
High School vs. College (Conclusion)
The long wait is over (haha). Mahabang kwento kung bakit ngayon lang ‘to. Kwento ko sa inyo some other time. =)
I got your comments and I love them all. Have you observed? As you reminisce your high school days parang nakangiti ‘yung mga comments n’yo =). Ang sarap balikan lalo na ‘yung mga embarrassing moments natin noon. Natatawa na lang tayo kapag napag-uusapan ngayon.
Sa previous post, sabay-sabay tayong nag-reminisce ng mga kababawan natin nung high school at kung paano tayo nag-evolve bilang tao nung college (nag-evolve? Hahaha). From flat shoes to high heels, powder to make-up, open forum to asaran forum… teka teka, ang mga kaartehan lang bang ‘to ang point natin dito? Sige, allow me to take you to the deeper part of it.
I want to emphasize this comment: “I can say that high school life is my happiest days but my college life is the most meaningful days…” I agree to the highest degree! Another comment naman says, “super saya talaga nung highschool, simple lang kasi ang buhay at simple lang din ang problema noon, kesa pagdating ng college lahat na ata ng klase ng problema, maeencounter mo 0_o. pero mas masaya ngayong college days ko kasi mas malapit ako kay Lord =) hehe.” Correct, correct to the 10th power.
Tulad ng mga napag-usapan natin in the previous post na tungkol sa ating kababawan sa lahat nang bagay nung high school, I can say na ganun na din kababaw ang pagkakakilala natin kay LORD. Maaaring kilala lang natin Siya sa loob ng church o sa kwento ng mga magulang natin, o kaya naman sa mga salitang nabahagi sa’tin ng mga missionary o kaklaseng Kristiyano.
As we progress into college life, mas nakikilala natin si Lord dahil na rin sa nadagdagan ang level ng maturity natin (nadagdagan ba? Haha, siguro naman oo kahit papaano), at dahil mas nasa “totoong mundo” na tayo (inception ito?? Nyak!). Kumbaga, mas immersed at exposed na tayo sa mga problema at realidad ng buhay. Mas nakilala natin si LORD dahil ‘yung dating Diyos na naririnig o nababasa lang natin na gumagawa ng himala ay kaya din palang gawan ng himala ang patapon nating buhay.
Kaya nga I can say na blessed ang ilang mga high school ngayon dahil mayroon nang malawakang mga campus ministry kagaya ng KKB SCOM (School Outreach Ministry).
The more problems and obstacles we face in life, the bigger our hunger for God’s presence and work in our lives should be, too.
Good thing our God is not limited by our kababawan or kadramahan whether highschool ka or college ka, may malaki ka mang problema o wala, mababaw ka mang mag-isip o malalim, if you sincerely want to know God, He will not hesitate to reveal Himself to you through His Word and works.



